Manila, Philippines – Ipagbabawal na ng Dept. of Labor and Employment ang sapilitang pagpapasuot ng high heels sa trabaho lalo na sa mga sales lady.
Ayon kay Bureau of Working Conditions Director Dr. Maria Teresita Cucueco, masama sa kalusugan ang tuloy-tuloy na pagtayo ng mahigit dalawang oras.
Sa pagpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa Department Order na nagbabawal sa sapilitang pagsusuot ng high heels sinabi nitong lahat ng lagpas sa isang pulgada ay ipagbabawal.
Dapat din aniyang malapad ang takong at hindi patulis.
Kailangan din aniyang bigyan ng paid 15 minute breaks ang mga manggagawang dalawang oras nang nakatayo.
Ibig sabihin, walang ikakaltas sa kanilang suweldo kapag nagpapahinga.
Ikinatuwa naman ng labor group na ALU-TUCP ang Department Order na malaking tulong sa mga sales lady, waitress, lady guard at iba pa.