SAPUL SA CCTV | Riot ng mga kabataan malapit sa Quiapo Church, huli sa camera

Manila, Philippines – Sapul sa CCTV Camera ang riot sa pagitan ng 2 grupo ng kabataan sa Gonzalo Puyat St., Kanto Quezon Blvd. o ilang metro lamang ang layo mula sa Quiapo Church.
Nasa 20 kabataan ang sangkot sa insidente kung saan makikita sa video ang mga menor de edad na nagbabatuhan ng bote may hawak na mamahabang tubo at yung isa pa ay may dalang itak.
Damay sa riot ng kabataan ang mga natutulog sa gater matapos maanggihan ng basag na bote.

Matapos ang halos 10 minutong bakbakan, dumating na ang mga pulis sakay ng motorsiklo.

Ayon kay PO1 Randy Alan ng Barbosa Pulis Station, nahirapan silang arestohin ang mga bata dahil may hawak itong armas.


Naging maingat sila sa pag-aresto kayat 2 lang ang kanilang nahuli.
Kabilang na diyan si Romel Arc Angel 22-anyos, isa sa mga promotor at nakita sa CCTV na may hawak na mahabang pamalo.

Sa ngayon nasa presinto na ang 2 suspek habang pinag-aaralan ang mga kasong posibleng isampa sa kanila.

Facebook Comments