Imposible para sa Hugpong ng Pagbabago ang tambalang Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Senator Cristopher Bong Go para sa 2022 election.
Ayon kay Anthony del Rosario, secretary general ng HNP, walang political sense ang ideya para sa tandem nina Mayor Sara at Senator Go.
Bagama’t kasi aniya nanggaling sa iisang lugar ang dalawa – ang Davao City ay hindi pa rin ito magandang dahilan upang bumuo ng isang partido.
Pagtitiyak pa ni Del Rosario, gumagawa ng sariling desisyon si Mayor Sara at kahit nangunguna ito sa mga survey sa pagkapangulo ay wala pa rin itong inilalabas na desisyon.
Muli namang dumistansiya ang HNP sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDD-Laban) na nakatakdang magsagawa ng national convention sa September 8.