Nangunguna ang mga pangalan nina Davao City Mayor Sara Duterte, Manila Mayor Isko Moreno at dating Senator Bongbong Marcos sa mga pinagpipilian bilang susunod na presidente sa darating na 2022 elections.
Batay sa independent at non-commissioned survey ng PUBLiCUS Asia Inc., tinanong ang mga respondent kung sino ang gusto nilang suportahan sa pagkapangulo sa nalalapit na eleksyon.
Ang top five choices para sa pangulo ay hindi pa rin nagbabago mula sa December 2020 survey.
Nangunguna pa rin si Mayor Duterte na may 16.7%, kasunod si Mayor Moreno na may 14.7%, at Marcos na may 13.6%.
Sumusunod si Senator Manny Pacquiao (12.8%), at Vice President Leni Robredo (9.3%).
Sa pagkabise, nangunguna si Mayor Moreno (16.6%), kasunod si Mayor Duterte (14.9%), Pacquiao (10.7%), Senator Bong Go (7.3%).
Sa pagkasenador naman, narito ang top 12:
- Mayor Isko Moreno (68.93 percent)
- Sen. Manny Pacquiao (66.27 percent)
- Dr. Willie Ong (63.27 percent)
- Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero (57.67 percent)
- Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (38.93 percent)
- Sarah Duterte (30.67 percent)
- Sen. Risa Hontiveros (30.53 percent)
- Bongbong Marcos (27.53 percent)
- Sen. Joel Villanueva (26.67 percent)
- Senator Sherwin Gatchalian (24.0 percent)
- Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (22.53 percent)
- Antique Rep. Loren Legarda (22.33 percent)
Ang nationwide survey ay isinagawa mula March 20 hanggang 29, 2021 sa 1,500 respondents.