Nilinaw ng Malacañang na hindi pa umabot si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa puntong nakapagdesisyon na siya ukol sa potensyal na pagtakbo niya sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, marami pa ring tao ang nag-uudyok kay Mayor Sara ngunit wala pa siyang anunsyo patungkol sa kanyang mga plano sa pulitika sa susunod na taon.
Dagdag pa ni Roque, ayaw din ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo ang kanyang anak sa pagkapangulo dahil isa itong “thankless job.”
Matatandaang ibinunyag ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda na kumbinsido siyang tatakbo si Mayor Duterte sa susunod na taon.
Facebook Comments