Nangununa si Davao City Mayor Sara Duterte sa top contender para sa pagka-Presidente sa 2022 national elections.
Ito ay batay sa resulta ng pinakahuling Pulse Asia national survey na isinagawa mula November 23 hanggang December 2, 2020 sa may 2,400 respondents.
Sa tanong na kung gaganapin ang May 2022 presidential election kasabay ng isinagawang survey, isa sa apat na respondents o katumbas ng 26% ang nagsabing si Duterte ang kanilang iboboto.
Lumilitaw na sa Mindanao at Visayas ay magiging malakas si Duterte na nakakuha ng 58% at 29% batay sa pagkasunod-sunod.
Parehong pumasok sa pangalawang puwesto sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senador Grace Poe na parehong nakakuha ng 14%.
Nasa pangatlong puwesto naman si Manila City Mayor Isko Moreno na may 12%, sinusundan ni Senador Manny Pacquiao na may 10%.
Nasa pang-anim na puwesto naman si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 8%.
Sa pagka-Bise Presidente, nangungunas si Manila Mayor Isko Moreno, sinusundan ni Sara Duterte at pumapangatlong sa puwesto si Senate President Tito Sotto.
Sa senatorial bets, nangunguna si Boxing Champ at incumbent Sen. Manny Pacquiao, sinusundan siya ni TV host Raffy Tulfo at pangatlong puwesto si Sara Duterte.