Sara Duterte, tatakbo nga ba bilang pangulo sa 2022?

File photo

Ipinahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na humihingi siya ng banal na patnubay kung itutuloy niya ang pagtakbo bilang presidente sa Eleksyon 2022.

“Everything will be easier if it’s the plan of God. I think siguro before I think about that, I should ask God first if this is for me,” ani Sara.

Sa TV show na Kingdom of Jesus Christ, inamin ng anak ni Sara na humihiling pa siya ng karunungan mula sa taas upang maiwasan ang pagkakamali sa desisyon.


“Siguro para hindi tayo magkamali, we need to pray for wisdom on how to go about it and how to decide,” dagdag niya.

Ayon kay Pastor Apollo Quiboloy, kaibigan ng Pangulo, ang pagkapanalo ni Duterte bilang presidente ng bansa ay kalooban ng Maykapal.

“For the next one that God in heaven will choose for us, ipanalangin natin na siya ang guidance sa atin. We will always pray for Mayor Inday here because I know God has bigger plans for her,” ani Quiboloy.

Matagal namang nililigawan ng mga taga-suporta ni Duterte na tumakbo si Sara bilang pangulo.

Facebook Comments