SARADO | 2 reclamation area sa Laguna Lake, ipinasara ng LLDA

Laguna – Ipinasara at isinailalim sa kontrol ng Laguna Lake Development Authority o LLDA ang dalawang reclaimed areas ng dalawang malalaking kumpanya na nagooperate sa gilid ng lawa sakop ng Taguig City.

Kabilang sa mga ipinasara ang 37 hektaryang reclaimed area ng IPM Construction and Development Corporation at 10 hektaryang reclaimed area ng level up construction.

Lumabas kasi sa monitoring ng LLDA na hindi na maganda ang kalidad ng tubig sa paligid ng dalawang kumpanya.


Lumagpas rin sa itinakdang guideline ang inorganic phosphate, ammonia at fecal coliform content ng tubig.

Nadiskubre rin na ilegal na nagtatapon ng basura ang dalawang kumpanya sa bahagi ng laguna lake na paglabag sa clean water act at solid waste management act.

Kasunod nito, upinagutos na rin ng LLDA ang rehabilitasyon ng dalawang reclamation area.

Facebook Comments