Manila, Philippines – Nasa 27 mga national road sa Luzon ang sarado ngayon sa mga motorista dahil sa epekto ng mga magkakasunod na bagyong Henri, Inday at Josie.
Base sa datos ng DPWH, (7) sa mga kalsadang ito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), (10) mula sa Region I, (8) sa Region III, at (2) sa Region IV-A.
Isinara ang mga kalsada dahil sa mga naranasang landslides, pagko-collapse ng mga kalsada at mga pagbaha.
Sa kasalukuyan ay nagpadala na ng tauhan ang DPWH sa lugar at nailagay na rin ang mga heavy equipments para sa pagsasagawa ng clearing operations.
Facebook Comments