Inihayag ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sarado pa rin ang Kennon Road, at 10 iba pang mga lansangan dulot ng bagyong Ompong.
Base sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) patuloy pa rin kinukumpuni ng Bureau of Maintenance ng DPWH ang Kennon Road, Baguio –Bontoc Road, Baguio-Bua-Itogon Road, Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road, Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road, Abra-Ilocos Norte Road,Apayao – Ilocos Norte, Mt. Province Boundary-Calanan -Pinukpuk-Abbut Road, Mabongis Bridge, Balbalan-Pinukpuk Road, Baliwag – Candaba – Sta. Ana Road, Candaba – San Miguel Road, at Paralaya, Candaba Pampanga.
Paliwanag ng DPWH Tinatayang mahigit 2.74 bilyong piso ang kabuuang inisyal na napinsala ng bagyong Ompong sa mga lansangan, tulay, flood-control structures, at public building mula sa P889 million na napinsalang imprastraktura sa CAR, P1 Billion sa Region I, P656.4 million sa Region II, P157.75 sa Region III , at P20 million sa Region V.