Sarah G. at Matteo Guidicelli, nagbakasyon sa Batanes

Sweet na sweet ang magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang “short but sweet visit” sa Batanes.

Sa social media post ng mga fan ni Sarah at Matteo nitong Lunes, makikita ang mga larawan ng dalawa habang namamasyal sa Batanes.

Nito lang nakaraang linggo, sinamahan ni Sarah ang kanyang boyfriend sa pagte-train ng motocross kung saan first time niyang na-experience na magmaneho ng dirt bike.


Base rin sa mga post ng kanilang fans, makikitang consistent ang dalawa sa pagkakaroon ng quality time.

Samantala, sa land of the rising sun naman ang destination ng reel-and-real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bagama’t magkahalong trabaho at bakasyon, enjoy na enjoy ang dalawa habang sinusulit ang snow at winter weather sa Japan.

Kasama rin ng dalawa sa Japan ang kanilang mga close friends, colleagues at pamilya ni Kath.

Facebook Comments