
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nagtungo sa Malabon City Prosecutors Office ang contractor na si Sarah Discaya.
Ito ay matapos siyang mamataang umalis mula sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaninang umaga.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, humarap si Discaya sa pagdinig sa isang kasong inihain sa kaniya ng lokal na pamahalaan ng Malabon.
Humingi raw ng pahintulot si Discaya mula sa NBI para sa temporary release para dumalo at maisumite ang lahat ng mga dokumentong kinakailangan.
Inaasahan namang babalik din si Discaya sa kustodiya ng NBI matapos ang pagdinig.
Facebook Comments










