
Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang contractor na si Sarah Discaya ngayong umaga para sa nakatakdang preliminary investigation kaugnay ng kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Matatandaang noong November 2025 nagsampa ng reklamo ang BIR sa DOJ laban kina Sarah Discaya at sa kanyang asawang si Curlee Discaya.
Ito’y kaugnay ng umano’y hindi nabayarang ₱7.1 bilyong buwis mula sa mga kumpanyang kanilang hawak.
Bago mag-8:00 ng umaga, dumating si Discaya sa DOJ kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), kung saan mahigpit ang ginawang pagbabantay sa kontratista.
Facebook Comments









