
Panibagong reklamo ang kinakaharap ngayon ng kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya.
Kaugnay naman ito sa kaniyang naging kandidatura bilang alkalde ng Pasig City noong 2025 elections.
Personal na naghain ng complaint ang kaniyang nakatunggali sa halalan na si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa mga paglabag ni Discaya sa Omnibus Election Code at perjury.
Ayon sa alkalde, hindi makatotohanan ang mga inilagay ni Discaya sa kaniyang Statements of Contributions and Expenditures lalo’t malaking halaga umano ang inilabas nito sa kaniyang kampanya.
Inireklamo si Discaya dahil sa paggastos sa kampanya nang higit sa pinapayagan ng batas at hindi pagsasabi ng tama sa kaniyang isinumiteng SOCE sa Comelec.
Sabi ni Sotto, naghain din sila ng hiwalay na reklamo laban kay Discaya sa Pasig Prosecutors Office kaugnay naman sa kaniyang citizenship.
Sa ngayon ay nakakulong si Discaya dahil sa kinakaharap na kasong may kaugnayan sa maanomalyang flood control project sa Davao Occidental.










