Sarah G. at Kathryn B., waging best actress

Kapwa itinanghal na Best Actress sa 2019 35th Philippine Movie Press Club Star Awards for Movies sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at Phenomenal Box Office Queen Kathryn Bernardo.

Kinilala ang dalawa dahil sa husay sa pagganap sa mga pelikulang “Miss Granny” at “The House of Us”.

Nasungkit din ng pelikulang “Miss Granny” ang Best Movie Musical Scorer of the Year habang Best Movie Love Team of the Year naman sina Daniel at Kathryn.


Isinagawa ang awarding sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila kagabi.

Facebook Comments