Sarah G, nakatanggap ng “sweet birthday message” sa kanyang BF

Nakatanggap ng ‘sweet birthday message’ si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli matapos ang kanyang birthday celebration noong July 25.

Sa Instragram post ni Matteo, makikita ang isang larawan ni Sarah na may caption na “My love, happy-happy birthday! You are the most beautiful woman to ever cross my life.”

Dagdag pa ni Matteo na walang sinuman ang makakapigil sa kanyang pagmamahal para kay Sarah.


Matatandaang naging mag-couple ang dalawa noong taong 2014 kung saan nagpapatuloy pa rin ang kanilang healthy at strong relationship.

Samantala, pinadalhan naman ni Gretchen Barretto ng bulaklak si Bea Alonzo matapos kumalat ang isyu na hiwalay na umano sila ng kanyang nobyong si Gerald Anderson.

Sa Instagram post ni Bea, makikita ang isang larawan ng isang puting bulaklak na orchids at may nakalagay na mensahe na “sending you love” love, ate Gretchen.

Matatandaang nag-viral ang larawan nina Gerald at Julia Barretto matapos mahuling magkasama sa isang birthday party ni Rayver Cruz.

Facebook Comments