Sarah Geronimo binisita si Matteo Guidicelli sa military training camp

435
Image via Johnny Delos Santos | File photo

All out support si Sarah Geronimo sa nobyong si Matteo Guidicelli matapos dalawin sa  Camp Tecson, San Miguel Bulacan kung saan kasalukuyang sumasailalim ito sa 45-day military training bilang Scout Ranger.

Kumalat sa social media ang mga larawan ng Ultimate Pop Superstar kasama ang pamilya ni Guidicelli sa Camp Tecson. Pero hindi pa malinaw kung kailan nila binisita ang aktor.


Ibinahagi ng mga fans nina Sarah at Matteo ang litratong nakalap sa Instagram.

 

 

View this post on Instagram

 

😍 G family #MatteoGuidicelli ©📷

A post shared by DiploMATTS (@_diplomatts_) on

Ang mga tagahanga ng tinaguriang ‘AshMatt’, hindi napigilan kiligan nang mabalitaan muli silang magkita.

“Ay miss nya sweet naman!”

“Nakakaproud naman si matteo.. Tapos anjan pa yong gf nya sobrang napaka suportive.”

Nitong Abril, sumali si Guidicelli, 29, sa Philippine Army bilang reservist. Nagdesisyon sumabak sa military training ang celebrity at racer dahil sa pagmamahal sa bansa. Nagawa nitong magpakalbo at sumama sa Cotabato-Maguindanao-Zamboanga trip ng Hukbong Sandatahan.

Facebook Comments

From Advertisers