Sarah Labahti, sinorpresa ni baby Zion sa kaniyang kaarawan

Manila, Philippines – Nakatanggap ng nakakatuwang surpresa si Sarah Lahbati mula sa kanilang anak ni Richard Gutierrez sa kanyang kaarawan kahapon.

Sa kanyang post sa instagram, nakunan ng video habang paparating si baby Zion na may dalang bouquet ng bulaklak papunta sa inang nasa gym.

Kahit tila nahihirapang buhatin ni baby Zion ang bulaklak, sinikap niya pa rin itong iabot sa kanyang mommy, bagay na ikinatuwa ni Sarah at ng mga netizens, dahil sobrang “cute” nito.


Una rito, base sa video, inakala ni Sarah na may ibang pupuntahan ang anak, ‘yun pala ay may surpresa ito para sa kanya.

Facebook Comments