Niyanig ng 5.2 na magnitude na lindol ang Davao Occidental bandang alas-10:00 ng umaga.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa layong 65 kilometers timog-silangang ng Saranggani, Davao Occidental.
May lalim itong 111 km at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Instrumental Intensity 2 sa Alabel, Sarangani habang Intensity 1 sa Kiamba, Sarangani; Koronadal City; at General Santos City.
Ayon sa PHIVOLCS, asahan na ang mga aftershocks kasunod ng nangyaring 5.2 magnitude na lindol.
Facebook Comments