Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang munisipalidad ng Sarangani sa Davao Occidental kaninang alas-8:43 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng pagyanig sa 297 kilometro ng Sarangani.

Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 88 km.


Dahil sa lakas ng lindol, nasundan pa ito ng aftershocks na magnitude 5.4 kaninang alas-8:51 ng umaga.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang pinsala sa nasabing lindol.

Facebook Comments