Sarangani Island, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Timog Silangan na bahagi ng Sarangani Island sa Davao Occidental.

Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang pagyanig bandang alas-2:33 ng hapon.

Natunton ang sentro ng lindol 169 km South East ng Sarangani Island, Davao Occidental.


May lalim itong 51 km at tectonic ang origin.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks.

Facebook Comments