Sarangani, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Bayan ng Kiamba sa Sarangani alas-10:05 kagabi.

Naitala ang sentro ng lindol sa layong 49 kilometro ng hilagang kanluran ng Kiamba, Sarangani

May lalim itong 24 kilometro at tectonic in origin ang pinagmulan.


Naramdaman naman ang Intensity IV sa munisipalidad ng Kiamba at Maitum sa Sarangani habang Intensity III sa General Santos City; Zamboanga City; Cotabato City; Maasim, Sarangani; at Norala, Tupi, Lake Sebu, South Cotabato.

Nagbabala naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.

Facebook Comments