Sarangani, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Sarangani, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Sarangani.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nakita ang epicenter ng lindol sa may 38 kilometers north ng Sarangani Province.

Isang tectonic in origin na may lalim na 22 kilometers ang lindol na naramdaman 8:58 na gabi.


Naramdaman ang intensity III sa Sarangani at Davao Occidental habang intensity II sa General Santos.

Inaasahan naman ang mga aftershocks matapos ang nasabing pagyanig.
DZXL558

Facebook Comments