Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bayan ng Alabel sa Sarangani, Davao Occidental kaninang alas 7:22 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng pagyanig sa 86 kilometers southeast ng Sarangani o 11 kilometers northeast ng bayan ng Alabel.
May lalim itong 54km at sinasabing tectonic ang dahilan ng lindol.
Naramdaman din ang lakas ng pagyanig sa:
• Intensity V – Gen. Santos City at South Cotabato
• Intensity IV – Kiamba, Saranggani; Tupi, South Cotabato; Koronadal City,
• Intensity III – Kidapawan City, North Cotabato; Alabel, Saranggani;
Una nang inihayag ng Phivolcs na magnitude 6.1 ang naramdamang lindol ngunit agad din nitong itinaas sa magnitude 6.2.
Facebook Comments