Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

Muling niyanig ng lindol ang Davao Occidental

Batay sa ulat ng Phivolcs, alas-3:18 ng hapon nang yanigin ng magnitude na 6.3 na lindol ang naturang lugar.

Natunton ang sentro ng malakas na pagyanig sa layong 159 km sa timog- silangang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental.


May lalim itong 73 kilometers at tectonic ang origin.

Pasado alas-1:00 kanina nang naunang yanigin ng 5.7 na magnitude na lindol ang Sarangani Davao Occidental.

Facebook Comments