Hiniling ng ilang manufacturer ng sardinas na lagyan na rin ng Suggested Retail Price o SRP ang mga isdang tamban para makatulong sa pagbaba ng presyo ng de latang sardinas.
Ayon kay Bombit Buencamino, executive director ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP), hindi naman bumababa ang presyo ng tamban kahit fishing season na.
Aniya, hindi sila makapagbaba ng presyo ng sardinas dahil sa mataas na presyo ng kada kilo ng tamban.
Bukod pa rito aniya ang mataas na presyo ng produktong petrolyo at sa TRAIN Law.
Sabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez, sang-ayon naman sila sa hiling ng CSAP na SRP pero kailangan pa rin nilang konsultahin hinggil rito ang Department of Agriculture (DA).
Giit naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi sila sang-ayon na maglagay ng SRP sa isdang tamban lalo at nasa P30 kada kilo lang ang presyo nito sa Zamboanga.