Sardine closed season sa Zamboanga, inalis na ng BFAR

Tinapos na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang tatlong buwan na sardine fishing ban sa karagatan ng Zamboanga Peninsula.

Sa isang seremonya , sinabi ni BFAR National Director Eduardo Gongona na malaki ang naitulong ng ipinatupad na moratorium sa pangingisda upang lumaki at sumigla ang sardine industry.

Aniya, magmula nang ipatupad ang closed season noong 2015, ang nahuhuling sardines ay tumaas mula 140 thousand metric tons patungong 147 thousand metric tons noong 2016, at noong 2017, umakyat na ito sa 160 thousand metric tons.


Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, nakapagtala ng 0.92 percent na paglaki ng produkson ang fisheries sector noong 2018 kumpara noong 2017.

Dagdag ni Gongona, target ng ahensya na makamit ang 100% fish sufficiency sa taong 2022.
Dahil dito, mahalaga na maging tuloy tuloy at seryoso ang proteksyon sa maituturing na commercially-important fish stocks tulad ng sardines.

Facebook Comments