Sari-sari store na expired ang mga paninda, iligal na droga pala ang ibinebenta

1208
File photo from DDB.gov.ph

BACOOR, CAVITE – Sinalakay ng mga awtoridad ang isang tindahan sa nasabing bayan na umano’y nagbebenta ng pinagbabawal na droga.
At ang modus ng mga tindero, ididisplay ang mga panindang puros expired para hindi mahalata ang totoong nilalako nila.

Matagal na umanong tinitiktikan ng operatiba ang naturang iligal na gawain ng tindahan.

Naaresto sa isinagawang raid noong Martes ng gabi ang anim na kawatan, kasama ang isang high-value target.


Muntik pa daw magkapalitan ng putok nang tangkain ng mga suspek na umeskapo.

Narekober sa mga salarin ang isang baril at shabu na nagkakahalagang isang milyong piso.

Sa ngayon, nakakulong ang mga nahuli sa Bacoor City Police Station habang hinahanda ang isasampang kaso laban sa kanila.

Facebook Comments