SARI-SARI STORE SA SAN QUINTIN, NILOOBAN

Kuha sa CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang sari-sari store sa San Quintin, Pangasinan.

Nakilala ang lalaki na isang 20 anyos at residente sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ng dalawang may-ari ng tindahan na nawawala ang lalagyan ng kanilang kinita na naglalaman ng nasa 68,000 pesos.

Inaresto ang nasabing akusado at narekober ang pera na tinatayang nasa 21,000 pesos.

Nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng San Quintin PNP ang akusado at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments