SARILING ANIMAL BITE CENTER SA MANAOAG, PLANONG ITAYO

Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang pagpapabilis ng serbisyo sa mga biktima ng animal bites sa pamamagitan ng planong pagtatayo ng sariling Animal Bite Center sa bayan.

Bilang paghahanda, nagsagawa ng benchmarking visit ang Rural Health Unit ng Manaoag kasama ang Municipal Engineering Office sa Animal Bite Center ng Rural Health Unit ng Sto. Tomas, Pangasinan.

Layunin ng pagbisita na makuha ang mga epektibong pamamaraan at best practices sa pamamahala ng Animal Bite Center upang magamit sa itatayong pasilidad sa Super Health Center sa Barangay Cabanbanan.

Inaasahang sa pamamagitan ng inisyatibong ito ay mas mapapabilis, maayos, at mapapahusay ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Manaoag na nangangailangan ng agarang atensyong medikal dulot ng animal bites. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments