SARILING ATIN | Undersea features sa Philippine Rise, hiniling na pangalanan na rin

Manila, Philippines – Hinikayat ni House Senior Deputy Minority Leader at Buhay PL Rep. Lito Atienza ang gobyerno na pangalanan na rin ang mga undersea features sa Benham o Philippine Rise.

Ayon kay Atienza, dapat na pag-isipan ng pamahalaan ang pagpapangalan sa mga seamounts na matatagpuan sa Philippine Rise dahil ito ay bahagi naman ng continental shelf ng bansa.

Kahit anong gawin aniya ng China ay kampante si Atienza na walang impact sa ating sovereign rights ang pagpapangalan sa limang undersea features sa Philippine Rise.


Aniya, ang ginawa ng China ay hindi makakaalis na ang Benham Rise ay bahagi ng Philippine continental shelf salig na rin sa desisyon ng international law.

Malinaw sa desisyon ng United Nations (UN) Commission on the Limits of the Continental Shelf na sakop at pag-aari ng Pilipinas ang mga natural resources na matatagpuan sa katubigan, seabed at subsoil ng Benham Rise.

Facebook Comments