Sariling buhay, mas lalong pinahalagahan ngayon ni dating Sen. Leila de Lima

Mas lalong pinahalagahan ni dating Senator Leila de Lima ang kanyang buhay matapos ang ‘near-death experience’ nito sa ginawang pangho-hostage sa kaniya ng isa sa tatlong preso na nagtangkang tumakas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Sa statement na inilabas ni De Lima, bagama’t sinisikap niyang maka-recover ‘psychologically’ at ’emotionally’ mula sa nakakatakot na karanasan, may isa umano siyang natutunan sa insidente at iyon ay mas lalong pahalagahan ang buhay.

Nagpasalamat naman si De Lima sa mga nag-alala at nagpaabot ng dasal sa kanya at higit sa lahat sa Diyos na nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan.


Humiling naman si De Lima ng dasal para sa agarang paggaling ng isang police officer na nagtamo ng mga saksak mula sa nagtangkang tumakas na inmate.

Tiniyak naman ni De Lima na siya ay ligtas at maayos na ang kalagayan maliban na lamang sa sakit sa dibdib mula sa itinutok sa kanya ng preso na “improvised” na patalim noong siya ay hino-hostage.

Facebook Comments