Bubuo na ng sariling dose ng Ivermectin ang Department of Science and Technology (DOST) na magagamit ng bansa bilang panlunas sa COVID-19.
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, napagdesisyunan ito ng kanilang grupo matapos ang delay sa clinical trial ng ivermectin sa ibang bansa dahil sa ilang pagbabago sa study protocols.
Gagawin ang gamot sa University of the Philippines (UP) Manila College of Pharmacy kung saan hindi na bibili ng regular na formula dahil pag-amin ni Guevarra nais nilang magkaroon ang bansa ng sariling doses.
Nitong Biyernes sinimulan ng DOST ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin pero wala pa ring ebidensiyang magpapakitang epektibo ito.
Matatandaang una nang sinabi ng DOST na tatagal nang walong buwan ang clinical trial sa Ivermectin para sa mga asymptomatic at mild covid patients sa bansa.