Sariling molecular laboratory ng QC-LGU, magiging operational na sa huling linggo ngayong buwan

Courtesy: The Laurel FB

Mabubuksan na ngayong buwan ang ang sariling molecular laboratory ng Quezon City Government.

Ito’y sa sandaling aprubahan na ng Department of Health (DOH) ang operasyon nito.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, gagamitin ang laboratory sa pagproseso ng specimens ng Coronavirus Disease mula sa ginagawang community testing sa lungsod.


Aniya, may kakayahan ang pasilidad na makapag proseso ng 500 tests kada araw at accredited na ng DOH para sa level three.

Hindi lamang aniya magagamit ito sa COVID-19 tests kundi sa iba pang medical tests tulad ng tuberculosis, HIV, dengue at iba pa.

May tatlong palapag ang gusali na nasa Barangay Teachers Village East at may sariling lugar para sa data encoding at sleeping quarters para sa mga empleyado na itatalaga sa pasilidad.

Pangangasiwaan ito ng 20 tauhan ng City Health Department kabilang ang medical technologists, pathologists, laboratory manager at iba pang manpower support na sasailalim sa pagsasanay.

Facebook Comments