SASABAK NA | Mahigit 600 na bagong miyembro ng PCG, sasabak sa pagsasanay sa Bagac, Bataan

Manila, Philippines – Inihayag ni Philippine Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo na malaking tulong sa kanilang hanay ang 602 trainees na panunumpa kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Rear Admiral Elson Hermogino bilang bagong kasapi ng PCG.

Ayon kay Captain Balilo, 500 dito ay pawang mga kalalakihan habang ang 102 ay mga babaeng bagong kasaping Philippine Coast na10 buwan sasabak sa pagsasanay sa Philippine Coast Guard Training Center sa Bagac, Bataan upang lalong mahahasa ang kanilang kakayahan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Paliwanag ni Balilo malaking tulong ang karagdagang mga bagong miyembro ng PCG lalo at mainit ngayon ang usapin sa pagbibigay seguridad sa paligid ng isla ng Boracay na isinailalim sa rehabilitasyon.


Giit ni Balilo katuwang ng PCG sa kanilang mga aktibidades gaya ng search and rescue operation at iba pang programa ang mga bagong kasapi nila na sasailalim sa puspusang pagsasanay upang lalong mapahusay at magampanan nila ang kanilang trabaho na magligtas ng buhay ng tao.

Facebook Comments