SASABAK NA | Philippine Boxing Team handa nang magpasiklab sa Asian Games

Indonesia – Bukas na gaganapin ang draw sa boxing competitions ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa Indonesia.

Pero ngayon pa lang gigil nang sumabak sa aksiyon ang Philippine Boxing Team.

Ayon kay boxing delegation head Ed Picson nasa kondisyon ang anim na lalaki at dalawang babaeng pambato ng bansa na sasabak sa walo sa sampung boxing divisions ng Asiad.


Dagdag pa ni Picson, may sapat din na paghahanda at preparasyon sina Rogen Ladon, Eumir Felix Marcial, Mario Fernandez, Carlo Paalam, James Palicte, Joel Bacho, Iris Magno at Nesty Petecio.

Nais ng boxing na malagpasan ang one silver at three bronze medal haul nito sa nakaraang 2014 Incheon Asian Games sa South Korea.

Sa Biyernes, Agosto 24 magsisimula ang boxing competitions sa Asiad.

Facebook Comments