Manila, Philippines – Sasanayin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang may 100,000 na construction workers sa buong bansa kaugnay sa “Build, Build, Build” program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang mga sasabak sa training na mga construction workers ay magmumula sa grupo ng mga indigenous peoples, mahihirap at rebel returnees
Ayon sa TESDA, ang mga magsisipagtapos ay kukunin para tumulong sa pagpapatayo at pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, gusali at iba pang mga infrastructure projects ng gobyerno.
Ang mga infrastructure projects ng gobyerno ay makakatulong sa pagbibigay ng bagong trabaho para sa mamamayan.
Ang Build, Build, Build infrastructure programs o tinatawag na “Dutertenomics” ay planong maglaan ng $160 bilyon hanggang $180 bilyong pondo para sa sinasabing mga “ambitious projects” tulad ng Mega Manila Subway, complex road networks, long-spand bridges, flood control, urban water systems at marami pang iba na planong tapusin hanggang 2022.
<#m_-6712778405238104627_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>