SASABIHIN NA | Bagong Prosecutor General, papangalanan na ngayong araw ni Justice Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kanyang Department Order para sa magiging kapalit ni resigned acting Prosecutor General si Jorge Catalan Jr.

Ito ay matapos na mismong si Catalan ang humiling sa DoJ na i-tanggalin na siya bilang pinuno ng National Prosecution Service epektibo ngayong araw

Bukod kasi sa pagiging acting Prosecutor General simula noong June 22, 2017 ay kasalukuyang hawak din ni Catalan ang posisyong City Chief Prosecutor ng Makati Regional Trial Court.


Nilinaw ni Catalan na ayaw kasi niyang isakripisyo ang kanyang trabaho sa paghawak ng dalawang posisyon.

Nakasaad sa isang pahinang department order na nilagdaan ni Guevarra na itinatalaga niya bilang Officer-In-Charge prosecutor general si Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon bilang kapalit ni Catalan.

Facebook Comments