SASABIHIN NA | Traydor sa DOLE, papangalanan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III

Manila, Philippines – Inihalintulad ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa isang cobra na mayroong tumatraydor sa kanya ang mga natatanggap niyang ibat ibang batikos hinggil sa iba’t ibang isyu na may kinalaman sa kanyang pagiging kalihim.

Sa isang presscon sa tanggapan ng DOLE, sinabi ni Bello na meron na siyang mga hawak na matitibay ebidensya na magdidiin sa mga nasa likod ng aniya ay demolition job sa kanya.

Paliwanag ng kalihim kikilalanin at ibubunyag niya ang mga naturang personalidad sa tamang panahon.


Dagdag pa ni Bello, naniniwala siya na hawak niya pa rin ang tiwala ng Pangulo at dahil dito ay wala aniya siyang planong mag resign.

Naniniwala rin si Bello na ang mga tao o grupo na nasa likod nito ay nasa loob at labas ng DOLE at nais ng mga ito na mahawakan ang Labor Sector at ayaw siyang maging Ombudsman.

Giit ng kalihim ilan sa mga isyung ibinibato sa kanya ay ang mga usapin patungkol sa pagtanggap ng milyong suhol at ang usapin ng I-DOLE Card.

Facebook Comments