SASAGIPIN | Philippine Navy, magpapadala ng tropa para maiuwi ang mga Pilipinong dinukot sa Libya

Manila, Philippines – Pinaghahanda na ng Philippine Navy ang kanilang support force para sagipin ang tatlong dinukot na OFW sa Libya.

Ito ay bilang tugon sa direktiba ng kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Navy Spokesman, Commander Jonathan Zata – binubuo na ang kinakailangang pwersa para mailigtas ang mga Pilipino at kasama nilang South Korean National.

Sinabi pa ni Zata – inatasan na ang kanilang Liaison Officer, Capt. Donn Miraflor na nakabase sa combined maritime forces sa bahrain na makipag-coordinate sa charge d’ affaires ng Pilipinas na si Boy Melicor sa Tripoli, Libya.

Aniya, ang ipapadalang naval task group ay tutulong sa Dept. of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon sa Libya.

Matatandaang kumalat ang isang video sa social media kung saan humihingi ng tulong ang kidnapped victims.

Una nang nagpadala ng warship ang South Korea sa Libya.

Facebook Comments