Manila, Philippines – Pinabuo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang isang task force na makikipag-coordinate sa Libyan government para masagip ang tatlong dinukot na Pilipinong engineers at isang South Korean national.
Ang task force ay pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, on-hold muna ang pagpapadala ang ng warship sa Libya at ang mga miyembro ng gabinete ang tutungo para sa negosasyon hinggil sa rescue efforts.
Bukod kina Bello at Cayetano, nais din ng Pangulo na mapasama sa delegasyon ng Pilipinas sina Presidential Adviser on OFW Affairs and Muslim Concerns Abdullah Mamao at Mindanao Development Authority Secretary Abul Khayr Alonto.