Manila, Philippines – Nakatakdang magsumite ngayon sa Korte Suprema ng sagot si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Quo Warranto Petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG). Ang naturang petition ay kumukwestyon sa bisa ng kanyang pagkakatalaga bilang Punong Mahistrado. Ngayong araw, magtatapos ang deadline sa sampung araw na ibinigay ng Korte Suprema para sagutin ni Sereno ang reklamo laban sa kanya. Sa nasabing petisyon na inihain ni Solicitor General Jose Calida hiniling nito na ideklarang null and void o walang bisa ang pagkakatalaga kay Sereno bilang Chief Justice dahil hindi ito nagsumite ng kanyang kumpletong Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN. Iginiit ni Calida na nilabag ni Sereno ang ilang probisyon ng konstitusyon sa hindi pagsusumite ng kumpletong bilang ng kanyang SALN.
SASAGUTIN NA | Sereno, magsusumite ngayong araw ng kanyang sagot sa Quo Warranto Petition ng OSG
Facebook Comments