Manila, Philippines – Handang sagutin ng Xiamen Airlines ang gastusin sa aircraft recovery matapos sumadsad ang isa nitong eroplano sa runway ng NAIA nitong nakaraang linggo.
Sa facebook post ng airline company, tinawagan nila ang Manila airport at tiniyak na sila ang magbabayad ng aircraft handling at runway recovering.
Kukumpirmahin rin ng Xiamen airlines ang halaga ng gagastusin.
Naglatag sila ng walong counter sa apat na terminals sa NAIA para magbigay ng libreng pagkain at tubig sa lahat ng pasahero.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng malalim na imbestigasyon ang joint team na binuo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Civil Aviation Administration of China.
Dahil dito, muling humingi ng sinserong paumanhin ang Xiamen at sinigurong gagawin nila ang lahat para mabigyan ng tulong ang lahat ng pasaherong naapektuhan.