Manila, Philippines – Sasaksihan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa mga luxury cars na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) dahil hindi nagbayad ng tamang buwis.
Matatandaan na kahapon ay sinabi ni Pangulong Duterte na sa darating na Martes sa susunod na linggo ay padadaanan sa pison ang mga mamahaling sasakyan sa tanggapan mismo ng BOC sa Maynila.
Sinabi ng Pangulo na mas magandang ipasira nalang ang mga sasakyan kaysa ipasubasta dahil ang mga importers lang din naman ang bibili ng mga ito sa mas murang halaga.
Nagbabala pa si Pangulong Duterte na aaraw-arawin niya ang pagsira sa mga luxury cars na pumapasok sa mga pantalan nang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Hapon inaasahan ang Pangulo sa Port of Manila kasama ang mga opisyal ng BOC at ilang miyembro ng kanyang gabinete.
Pagtaas ng bilang ng mga Chinese tourist sa bansa, inaasahan na dahil sa pagbubukas ng Xiamen China Flight patungong Palawan