Sasakyan, nagliyab!

Manila, Philippines – Natupok ang isang Mazda 3 na may plakang XTV 902, makaraan itong magliyab sa kahabaan ng Ortigas Meralco Ave, Pasig City, mag-aalas diyes kagabi.

Kwento ng driver ng kotse na si Pendaton Samporna, bigla na lamang silang naka amoy ng nasusunog na goma habang binabagtas ang kalsada.

Agad na itinabi ni Samporna ang kotse, at dito na niya nakitang nagliliyab na ang likurang bahagi ng kaniyang sasakyan, kaya’t agad itong tumawag ng tulong.


Agad niyang pinababa ang tatlo pang sakay ng kotse, na hindi naman nasaktan.

Ayon kay Samporna, isang linggo pa lamang sakaniya ang sasakyan na nabili niya sa isang online store na tinatayang nagkakahalaga ng 200 libong piso.

Inaalam pa ng BFP ang posibleng sanhi ng sunog.

Facebook Comments