Sasakyan ng Driving School, Sumalpok sa Bangko; 1 Depositor Sugatan

739

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang kliyente ng Bank of the Philippine Island (BPI) San Fermin branch sa lungsod ng Cauayan City makaraang tamaan ng basag na salamin sa mukha ng sumalpok ang mismong sasakyang gamit sa driving lesson pasado alas dos ng hapon kanina.

Nakilala ang suspek at driver ng sasakyan na si Ismael Taguilala, 24-anyps, binate, driving instructor ng RBR Driving School na residente ng Daragutan West, San Mariano, Isabela.


Habang ang biktima ay kinilalang si Joven Macarilay, 30-anyos, private employee at residente ng Brgy. Salay, Echague, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, ipaparada sana ng suspek ang minamaneho nitong sasakyan sa harap ng bangko subalit silinyador ang kanyang natapakan imbes nap reno hanggang dumiretso ito sa loob ng establiyimento.

Dahil dito, natigil ang transaksyon sa bangko dahil sa hindi inaasahang insidente.

Agad namang dinala sa presinto ang suspek para sa gagawing disposisyon habang inaalam pa kabuuang pinsala sa aksidente.




Facebook Comments