Sasakyan ng Isang Bise-Alkalde sa Rizal, Cagayan, Pinagbabaril, Isa Patay!

1060

Pinaulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang sasakyan ng isang bise alkalde pasado alas otso kaninang umaga sa bahagi ng Brgy. Dugayong, Piat, Cagayan lulan ng isang pamilya na patungong Tuguegarao City.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, pagmamay-ari ni Vice Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan ang ginamit na pick-up ng mga biktima na ikinasawi ng hindi pa nakikilalang ina at ikinasugat naman ng padre de pamilya at dalawa nilang anak.


Batay sa imbestigasyon, bibili lang sana umano ng krudo ang padre de pamilya sa Lungsod ng Tuguegarao nang bigla silang tambangan ng mga suspek.

Itinakbo naman sa pagamutan ang mga sugatan para sa kanilang paunang lunas habang binawian naman ng buhay ang kanilang ilaw ng tahanan.

Sa ngayon ay blangko pa rin ang mga otoridad sa motibo ng pamamaril at sa pagkakakilalanlan ng mga suspek habang patuloy naman ang kanilang malalimang ibestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments