SASAKYAN NG ISANG FUNERAL PARLOR SA STA. BARBARA, NAGLIYAB HABANG NAG I – ESKORT NG LIBING

Nagliyab ang isa sa mga sasakyan ng isang funeral parlor sa bayan ng Sta Barbara.

Habang nag i eskort ng libing ang nasabing sasakyan na isang suv na pagmamay ari mismo ng driver na si Jefferson Molina kung saan ay bigla na lang itong nagliyab habang nag i eskort sa isang libing sa Brgy.Tebag West sa nasabing bayan.

Pasado alas otso ng umaga napansin ang usok mula sa hood ng sasakyan habang kasalukuyan ang pag eskort sa libong kung saan ilang sandali pa ay ang buong sasakyan na ang nagliyab.


Wala naman napaulat na nasaktan sa insidente habang inaalam pa ang dahilan ng pagliyab nito.

Facebook Comments