Sasakyan ng naarestong suspek na nagwala sa isang motel sa Quezon City at nakipaghabulan sa mga pulis hanggang Maynila kahapon, nakitaan ng shabu

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng lalaking nakipag-habulan sa mga pulis mula Quezon City hanggang sa Maynila kahapon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni QCPD Director P/Brig Gen. Antonio Yarra na sasampahan na ang suspek na si Arvin Tan ng kasong Estafa, Resistance, and disobedience to a person in authority, at Multiple damage to property.

Pero posibleng madagdagan pa aniya ito ng paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 matapos makita ang sachet ng hinihinalang shabu at aluminum foil sa loob ng kaniyang sasakyan.


Ayon kay Yarra, sasailalim sa drug test si Tan para malaman kung gumagamit ito ng iligal na droga.

Bago mangyari ang habulan, nagwala muna ang suspek sa isang motel sa Timog Avenue at humihingi pa sa manager ng ₱20,000.

Facebook Comments