Sasakyan ng Seaman, Inatake ng Basag-Kotse!

Cauayan City, Isabela- Isang sasakyan ng seaman ang muling nabiktima ng basag-kotse habang ito’y nakaparada sa Juan Luna St. Barangay Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya, kamakalawa.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Ferdinand Laudencia, hepe ng PNP Solano, pagmamay-ari ng biktimang si Jethro Marlowe Juliano, 41 anyos, seaman, residente ng Better Living Subdivision, Parañaque City ang kulay puting kotse na may plakang DR 8235.

Una rito, isang tricycle driver ang nakapansin na basag ang salamin ng nakaparadang sasakyan kung kaya’t agad nitong ipinagbigay alam sa mga nagrorondang barangay tanod.


Basag ang salamin ng kotse malapit sa passenger seat at ninakaw ng mga hindi pa kilalang kawatan ang isang shoulder bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento, cheke, $5,000.00 at cash.

Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente para sa agarang pagkakakilanlan ng mga kawatan.

Facebook Comments